AFP STATEMENT | On 125th Philippine Independence Day

AFP STATEMENT | On 125th Philippine Independence Day

Nakikiisa ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa lahat ng Pilipino sa buong mundo sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng kalayaan ng ating bansa.
 
Habang ating pinapahalagahan ang kalayaang ipinagkaloob sa atin ng mga bayaning nakibaka at nag-alay ng kanilang buhay, tayo ay matibay at matapang na haharap sa mga pagsubok, bitbit ang mga mahahalagang aral hango sa makulay na kasaysayan. Sa ating pinagsama-samang lakas at kaalaman, madali nating makakamtan ang hangarin para sa isang mapayapa at maunlad na pamayanan.
Sunod sa paksa ng pagdiriwang na "Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan," tayo ay sumasagot at handang gumampan ng mahusay sa mga katungkulan at kaatasan upang mapanatili ang pagkakaisa at kapayapaan sa ating bansa habang tayo ay nagsisikap na palakasin ang kakayahang ipagtanggol ang ating kasarinlan. Tiyak ang ating tagumpay kung tayong lahat ay sama-sama at magtutulungan sa pagtahak sa landas tungo sa magandang kinabukasan.
 
Muli, makakaasa po kayo sa tapat at taos-pusong paglilingkod mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
 
Mabuhay ang Pilipinas!

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Copyright © 2023 Armed Forces of the Philippines. All rights reserved.
Designed by ISG, CEISSAFP